TV

LOOK: Ryan Agoncillo, balik-'Eat Bulaga' na

By Cherry Sun

Matapos ang ilang buwan, muli nang napanood sa Eat Bulaga si Dabarkad Ryan Agoncillo.

Nakabalik na sa longest-running noontime variety show si Ryan ngayong araw, November 5. Nakasama niya sina Paolo Ballesteros at Wally Bayola sa pagbisita sa isang barangay.

Komento ng film producer na si Noel Ferrer, “Ayos na ang butu-buto! Welcome back Dabarkads @ryan_agoncillo!!!”

Sa dating interview sa asawa ni Ryan na si Judy Ann Santos, ipinaliwanag ng aktres na tumigil muna sa pag-host sa Eat Bulaga ang kanyang mister dahil sa dinadaluhan nitong therapy para tuluyang gumaling ang kanyang tuhod.