TV

LOOK: 'Eat Bulaga' executive Antonio Tuviera, sinugod-bahay ng dabarkads para sa kanyang birthday

By Cherry Sun

Sorpresang na-'Sugod Bahay' ang Eat Bulaga executive at TAPE President and CEO na si Antonio Tuviera ng mga dabarkads sa kanyang kaarawan.

Eat Bulaga

Sa pangunguna ni Vic Sotto, pumunta ang 'Sugod Bahay' gang na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Ryan Agoncillo at Alden Richards sa tahanan ni Mr. Tuviera o Mr. T. Nakisaya rin ang dabarkads na sina Tito Sotto, Pia Guanio at Bae-by Baste para ipagdiwang ang kanyang birthday.

IN PHOTOS: Dabarkads, full force sa contract signing event ng Eat Bulaga at GMA Network

Tulad ng kanilang ginagawa sa totoong 'Sugod Bahay' na bahagi ng 'Juan for All, All for Juan' segment, may dalang pagkain at papremyo ang mga dabarkads. May handog ding regalo ang pinakabatang dabarkad.

Ani Baeby Baste, “Happiest birthday po sa Tatay ng Eat Bulaga, Mr. T. Maraming salamat po sa pagbukas ng inyong tahanan para po papasukin at tanggapin ako ng pagmamahal, pagaalaga, at pagpapahalaga... daghang salamat sa tanan, Tatay Mr. T... I love you po. Eto po ang simpleng regalo ko sa inyo, ang paborito nyong BANGSilicious.”