TV

WATCH: Joey De Leon at Ryan Agoncillo, namangha sa ganda ng GenSan

By Jansen Ramos

Inihayag nina Eat Bulaga Dabarkads Joey De Leon at Ryan Agoncillo ang kanilang naging karanasan sa pagbisita sa tuna capital ng bansa na General Santos City para sa Lenten Special na 'Bulawan' na mapapanood na ngayong Holy Monday, April 15.

Joey de Leon

Ayon sa kanilang online visual diaries, hindi lang sila namangha sa ganda ng probinsya kundi sa mainit na pagsalubong ng mga residente roon.

Naranasan ni Ryan maging mangingisda para sa kaniyang role at aniya, "Yung environment, very fresh, it's very inspiring to be here for the first time, and to really portray a role that is very close to the heart of people of GenSan."

Ganito rin ang pahayag ni Henyo Master Joey noong makatapak sa bayan ng GenSan.

"Natuwa ako nung biglang sinabi sa'kin na mag-sho-shooting ng pelikulang pang Mahal na Araw sa GenSan, na napakagandang lugar pala. Ako'y nagulat, at 'yung mga tao dito, welcoming, mababait, marami akong natutunan tungkol sa industry ng tuna."

Ibinida pa ng TV host/comedian na tampok sa pelikula ang nakakaantig na kuwento ng pagsisikap.

"Tungkol sa paghahanap-buhay sa ibang lugar, 'yung mga nagtatrabaho, 'yan ang binigyan namin ng halaga at tungkol sa mga suliranin at mga pinagdaraanan nila sa buhay nila, at siyempre pa karugtong na d'yan ang pag-asa, at paghingi ng awa at pasasalamat sa Poong Maykapal."