TV

Sino ang Kapamilya star na proud 'Eat Bulaga' Dabarkad?

By Al Kendrick Noguera

Isang malaking selebrasyon ang pinaghahandaan ng longest-running noontime show na Eat Bulaga ngayong buwan dahil ipagdiriwang nila ang kanilang 40th anniversary sa telebisyon.

Toni Gonzaga

WATCH: Toni Gonzaga, may mahalagang natutunan sa 'Eat Bulaga'

At isa sa mga produkto ng naturang noontime show ang actress-host na si Toni Gonzaga na nagsilbing Dabarkad mula 2002-2005.

Sa Instagram Story ni Toni last week, makikita na taos-puso siya nagpasalamat sa lahat ng bumubuo ng Eat Bulaga matapos makatanggap ng regalo mula sa dati niyang mga katrabaho.

Ayon sa kanyang post, buong buhay siyang tatanaw ng utang na loob sa multi-awarded noontime show.