TV

LOOK: Traffic Diva Aicelle Santos returns to 'Eat Bulaga!'

By Nherz Almo

Marami ang na-excite sa pagbabalik ni Aicelle Santos sa Eat Bulaga! bilang Traffic Diva.

Aicelle Santos

Sa opening ng production ng Eat Bulaga! kanina, July 6, nakasama nina Ryzza Mae Dizon at Baeby Baste si Kapuso diva Aicelle, na suot ang isang yellow vest na may disenyo ng traffic lights.


Nakita rin siyang lumabas ng APT Studios at sumakay sa isang jeepney, katulad nang ginagawa niya noon sa programa bilang si Traffic Diva.


Samantala, sa kanyang Instagram post, nanghikayat naman si Aicelle sa mga manonood ng Eat Bulaga! na dumaan sa Marcos Highway, kung saan mamimigay ng libreng pamasahe si Traffic Diva.


Sa comments sa post, kapansin-pansin ang tuwa ng kanyang follower sa pagbabalik niya bilang Traffic Diva.

Kabilang pa sa mga nag-comment ang kapwa Kapuso stars niyang sina Rocco Nacino at Christian Bautista

Pansamantalang nawala sa Eat Bulaga! si Aicelle nang tanggapin niya ang role bilang Gigi Van Tranh sa Miss Saigon.

Aicelle Santos bids farewell to her Gigi character in 'Miss Saigon'

Unang nagbalik sa Eat Bulaga si Aicelle noong April 13, kung kailan nakasama niya sa isang performance ang Broadway Boys.