TV

Paolo Ballesteros, tinalo ang world record sa patagalan ng hindi pagkurap sa 'Eat Bulaga'

By Maine Aquino

Si Paolo Ballesteros na ang title holder ng 'Bawal Kumurap' segment ng Eat Bulaga.

Ayon sa Instagram post ng noontime show, natalo na ni Paolo ang oras ni Pauleen na 33:44. Ang record ni Paolo ay tumagal ng 1 hour and 17 minutes.

"MAY NEW RECORD NA TAYO! Na-beat ni Dabarkads Paolo ang oras ni Dabarkads Pauleen na 30:44 sa oras na 1 HOUR, 17 MINUTES sa Bawal Kumurap! Di lang 'yan! Na-beat na niya din ang world record! Congratulations Dabarkads, Paolo!"


Natalo ni Paolo ang world record holder na si Michael Thomas na nagtagal ng 1 hour and 5 mins.


Congratulations, Paolo!

Panoorin ang pagkapanalo ni Paolo dito: