TV

LOOK: Tumalo kay Charice Pempengco, natukoy ni Super Tekla sa 'Bawal Judgmental'

By Dianara Alegre

Sumabak ang Kapuso comedian na si Super Tekla sa segment ng Eat Bulaga! na “Bawal Judgmental,” ngayong araw, Disyembre 23.

Sa show ay nasubukan ang galing ni Super Tekla sa pagkilatis ng mga pinakamagagaling na amateur singers na ilang taon nang sumasali sa mga singing contest.

Sa final round ng segment ay nasukat ang galing ni Super Tekla nang papiliin mula sa tatlong amateur singers kung sino ang tumalo kay Charice Pempengco, na mas kilala ngayon bilang Jake Zyrus, noong nagsisimula pa lamang ito.

Matapos ang ilang minutong urong-sulong na pagdedesisyon, natukoy ng komedyante kung sino sa kanila ang tumalo kay Charice.

Dahil dito, nakapag-uwi si Super Tekla ng P45,000.

WATCH: Super Tekla, naiyak sa suportang natanggap ng 'Kiko En Lala'

WATCH: Super good vibes with Super Tekla sa 'Unang Hirit'