TV

Pia Guanio at Ryan Agoncillo, balik-trabaho na sa 'Eat Bulaga'

By Aedrianne Acar

Laking tuwa ng mga dabarkad nang muling makita sa APT Studios sina Pia Guanio at Ryan Agoncillo para mag-host sa Eat Bulaga, kahapon, June 24.

Sa Instagram Story ni Pia, sinabi niyang na-miss niya ang kanyang mga co-host sa longest running-noontime show.

Mahigit tatlong buwan ding hindi nakapunta sina Pia at Ryan sa APT Studios dahil sa community quarantine.

Nang muling mag-live ang 'Eat Bulaga' dalawang buwan na ang nakalilipas, minsan lamang sila nakita sa programa at kuha pa mula sa kani-kanilang mga bahay.

Sa ngayon, limitado pa rin ang mga tao sa loob ng APT Studios, kung saan sinusunod ang strict protocols para maiwasan ang COVID-19.

LOOK: 'Eat Bulaga' hosts, ipinakita ang "new normal" sa APT Studios

Avid fans celebrate the return of 'Eat Bulaga!'

"Bawal Judgmental."

Samantala, bumida naman bilang judge sa Wednesday episode ng "Bawal Judgmental" ang aktres na si Meg Imperial.

Sa panayam nina Ryan at Pia, naikuwento niyang nag-aral siya habang naka-quarantine sa bahay.

Aniya, “Siyempre, nag-aral ako kasi ginamit ko 'yung time ko nung nasa bahay lang, walang trabaho, para mag-acquire ng new knowledge.

“Online courses, 'yung kinuha ko emerging economies.

Balikan ang first day nina Pia Guanio at Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga pagkatapos ng quarantine sa video below.


Sino si Inka Magnaye na trending dahil sa "Bawal Judgmental" ng 'Eat Bulaga'?

'Bawal Judgmental' choice na si Kathleen Kaye Sone, voice talent din sa 'Pepito Manaloto'