Showbiz News

Kisses Delavin, inamin na naranasan din ang manakawan sa EDSA

By Jimboy Napoles

Tulad ng ilang Pilipino, hindi rin nakaligtas sa kamay ng mga kawatan ang aktres at Miss Universe Philippines 2021 Top 10 finalist na si Kisses Delavin. Nahablutan na raw ito ng cellphone habang naipit sa traffic sa kahabaan ng EDSA.

Sa kaniyang guest appearance sa "Bawal Judgemental" segment ng Eat Bulaga, ibinahagi ni Kisses ang kaniyang karanasan manakawan noon. Nangyari Ito habang nag-aaral siya ng kolehiyo dito sa Maynila.

“Actually naranasan ko na po na ma-snatchan sa loob ng sasakyan. Kasi traffic po sa EDSA, eh ako naman wala naman akong pakialam kasi iniisip ko wala namang magnanakaw sa mundo."

"So, nagse-cellphone po ako tapos kinuha po 'yung cellphone ko ng magnanakaw sabay sila pati 'yung sa front sa Daddy ko kinuha din 'yung cellphone,” kuwento ni Kisses.

Pero mabilis din daw na nakuha ni Kisses pabalik ang kaniyang cellphone. “Pero po nabawi ko sa magnanakaw kasi pagkuha niya ng cellphone ko, kinuha ko rin… snatch back.” dagdag niya.

Pagpapatuloy pa ng aktres “Yung isang cellphone ng Daddy ko nakuha niya, pero sabi ko okay lang at least 'yung isa hindi nakuha, inagaw ko ulit.”

Samantala, kamakailan ay inamin din ni Kisses na tuloy pa rin ang kaniyang Miss Universe pageant journey matapos na bigong maiuwi ang titulong Miss Universe Philippines 2021 sa katatapos lang na coronation night.

“Pero ako po I am very sure that this is my big dream so I will continue in this path that is for sure.” paglalahad ni Kisses sa Unang Hirit.

Mas kilalanin pa ang aktres at beauty queen na si Kisses Delavin sa gallery na ito: