GMA Logo Alden Richards
What's on TV

Alden Richards, ibinahagi ang sikretong diet at workout sa 'Eat Bulaga'

By Jimboy Napoles
Published March 8, 2022 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Ano nga ba ang sikreto ni Alden Richards upang mapanatili ang sexy at toned physique?

Marami ang mas humanga kay Asia's Multimedia Star Alden Richards dahil sa kapansin-pansin na improvement ng kaniyang pangangatawan na makikita hindi lang sa kaniyang social media accounts kung 'di pati na rin sa TV commercials.

Sa katunayan, isa si Alden sa napiling bagong endorser ng isang produkto na nagpo-promote ng fit at healthy body.

Kaugnay nito, sa isang episode ng "Bawal Judgemental" sa Eat Bulaga kamakailan ay itinampok ang mga dabarkad na may amazing body transformation. Dito ay hindi napigilan ni DC Queen Maja Salvador na magkomento sa pagiging fit ni Alden.

"Nakita ko sa social media may abs 'yan [si Alden Richards] e, napa-like nga ako e," ani Maja.

Dahil dito, masayang ibinahagi ni Alden ang kaniyang sikretong diet at workout. Gaya ng ilan, marami na raw siyang sinubukang workout plan pero sa sariling workout routine raw siya mas nakakita ng improvement.

Aniya, "Una sa lahat kailangan siya sa field of work natin bilang mga artista. Pangalawa, before ako mag-showbiz ang dami ko na rin na-try na diet na kung ano-ano na nausong diet before."

Mula sa mga nakuha niya na diet at workout plan ay nakagawa ng sarili niyang diet at exercise si Alden.

Kuwento niya, "Sa sobrang knowledgeable ko na about diet and exercise, kinukuha ko sila isa-isa tapos gumagawa ako ng sarili ko."

Payo ni Alden, dapat daw ay baguhin ang lifestyle upang mas maging healthy at fit.

"'Yung ngayon kasi kaya name-maintain ko siya kasi when you're looking for a different lifestyle, kailangan kasi sustainable e, hindi 'yung magda-diet ka lang dahil may pinaghahandaan ka. You change your lifestyle basically," ani Alden.

Panoorin ang highlights ng episode na ito ng Eat Bulaga sa video na ito.

Samantala, nakatakda naman na bumida si Alden kasama si Bea Alonzo sa Philippine adaptation ng Korean hit series na Start-Up na mapapanood ngayong taon sa GMA.

Abangan ang iba pang inspirational at real-life stories sa "Bawal Judgemental" sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m. at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

Samantala, tingnan ang hottest photos ni Alden Richards sa gallery sa ibaba: