TV

Princess Velasco on meeting Jo Berry for the first time: 'Nakakatuwa siya kausap at nakaka-inspire'

By Aimee Anoc

Masayang ibinahagi ni Princess Velasco ang unang pagkakataong nakausap niya si Little Princess actress Jo Berry.

Nakasama ni Princess si Jo sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga noong Lunes, October 24.

"Acoustic Princess and 'Little Princess' star," sulat ng singer sa Instagram.

Ayon kay Princess, masaya silang nagkakuwentuhan ni Jo bago magsimula ang segment.

Kuwento niya, "Nakakatuwa siyang kausap at nakaka-inspire ang istorya ng pagpasok niya sa showbiz, at ang mga pinagdaanan niya sa personal niyang buhay recently. God bless you always, Jo! Keep on shining!"

Agad namang nagpasalamat si Jo sa sinabing ito ni Princess, "Aweee! Thank you, Ms Princess. God bless you."

Dalawang taong nagtrabaho bilang call-center agent si Jo hanggang sa mag-audition sa isang episode ng Magpakailanman noong 2016. Mas nakilala ang aktres nang bumida sa primetime series na Onanay kasama sina Superstar Nora Aunor, Cherie Gil, Mikee Quintos, at Kate Valdez.

Isa naman si Princess sa recording artists ng GMA Music. Noong November 2021, ini-release ng singer ang latest single nitong "Ang Ating Pag-ibig," na isinulat bilang wedding gift sa kanya noon ng asawang si Mark Herbert Rosario.

MAS KILALANIN SI PRINCESS VELASCO SA GALLERY NA ITO: