
Isang major throwback ang naganap sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga ngayong Lunes, November 7, sa pagbisita ng apat na '90s heartthrobs na sina Gio Alvarez, Cogie Domingo, Jao Mapa, at Eric Fructuoso.
Sa nasabing episode ng segment, ibinahagi ni Gio ang ilan sa kanyang karanasan noon bilang isang sikat na artista, dito ay kanya ring ikinumpara ang kaibahan ng pagiging heartthrob noon at pagiging isang celebrity ngayon.
Para kay Gio, mas madali ang buhay ng mga artista noon dahil nagkakaroon pa sila ng pribadong buhay pagkatapos ng kanilang trabaho.
Aniya, "Mas simple dati, dahil dati pagkatapos na makita kayo ng mga tao sa labas in person kapag nakatago na kayo, private na ulit yung buhay niyo. Ngayon, hindi na ganun kasi pwede ka na ma-contact via private message sa social media 'yun ang major difference."
Dagdag pa ng aktor, "Oo kasi noon talaga mararamdaman mo yung grounding e, like your feet talagang nakatapak sa lupa, grounded ka, hindi ka masyadong into yourself ikaw ay tao pa, ngayon e, medyo hindi naman sa hindi na tayo tao, pero mas tao dati."
Isa si Gio sa dating miyembro ng 1992 youth-oriented show na Ang TV. Bukod dito, isa rin siya sa itinuturing na teen heartthrob noon. Ngayon, bukod sa kanyang acting projects, abala rin si Gio sa pag-aasikaso sa kanyang asawa at limang anak.
Samantala, mapapanood din si Gio sa upcoming kilig series ng GMA na Luv is: Caught in His Arms na pinagbibidahan ng this generation's love team na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.
BALIKAN NAMAN ANG ILAN SA '90S ACTION HEARTTHROBS SA GALLERY NA ITO: