GMA Logo Arra San Agustin, Sofia Pablo, Ashley Ortega
What's on TV

Arra San Agustin, Sofia Pablo, Ashley Ortega, naglaro ng 'Pinoy Henyo' sa 'Eat Bulaga'

By Jimboy Napoles
Published December 14, 2022 4:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DongYan, Barbie Forteza, more Kapuso stars and celebs ring in Christmas
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Arra San Agustin, Sofia Pablo, Ashley Ortega


Sumalang ang leading ladies ng upcoming GMA shows sa 2023 na sina Arra San Agustin, Sofia Pablo, Ashley Ortega sa 'Pinoy Henyo' sa 'Eat Bulaga.'

Masayang naglaro ng “Pinoy Henyo” ang leading ladies ng upcoming GMA shows sa 2023 na sina Arra San Agustin, Ashley Ortega, at Sofia Pablo sa longest-running noontime show na Eat Bulaga ngayong Miyerkules, December 14.

Sa nasabing laro, nahati sa tatlong magkakalaban na team ang Kapuso actresses kasama ang kanilang production staff. Si Arra para sa team Urduja at ang talent coordinator na si Monday, si Ashley para sa team Hearts On Ice kasama ang kanilang make-up artist na si Alain, at si Sofia para sa team Luv is: Caught in His Arms kasama ang production assistant na si Michelle.

Bago sumalang ang leading ladies, nagpa-sample muna ang real-life couples at Eat Bulaga guest co-hosts na sina Ruru Madrid at Bianca Umali. Dito ay nahulaan naman nila ang “Pinoy Henyo” word na, “Isaw” sa loob ng lagpas isang minuto.

Una namang sumalang sa hulaan ang team Urduja kasama si Arra at kanyang ka-tandem na si Alain pero bigo nilang makuha ang salitang, “Langaw.”

Sumunod namang sumalang ang team Luv is: Caught in His Arms kasama ang lead star nito na si Sofia at production assistant na si Michelle. Dito ay naabutan din sila ng dalawang minuto na hindi nahuhulaan ang salitang, “Toothbrush.”

Winner naman ang team Hearts On Ice kasama si Ashley at make-up artist na si Alain nang makuha nila ang dalawang “Pinoy Henyo” words na, “Belgium,” at “Kuting.”

Dito ay nakapag-uwi sina Ashley ng PhP30,000 na premyo sa kanilang pagkapanalo.

Abangan ang upcoming shows ng GMA na Urduja, Hearts On Ice, at Luv is: Caught in His Arms sa darating na 2023.

Tumutok naman sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA NAGING KAGANAPAN SA STORYCON NG UPCOMING MEGA SERIES NG GMA SA GALLERY NA ITO: