GMA Logo buboy villar pinoy henyo eat bulaga
What's on TV

Buboy Villar, napahiyaw sa saya nang mahulaan ang 'Pinoy Henyo' word sa 'Eat Bulaga'

By Jimboy Napoles
Published January 3, 2023 2:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang empleyado, naranasang maging Christmas party performer noong bagong hire sila
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

buboy villar pinoy henyo eat bulaga


Balikan ang laughtrip na episode ng “Pinoy Henyo” sa 'Eat Bulaga' kasama si Buboy Villar dito:

Natulala ang Kapuso young comedian na si Buboy Villar nang makuha niya ang sagot sa pinahuhulaang salita nang maglaro siya sa segment na “Pinoy Henyo” ng Eat Bulaga kasama ang co-member niya sa katatapos lang na Running Man Philippines na si Kokoy De Santos.

Sa January 2 episode ng segment, si Kokoy ang tagabigay ng clue na sasagot ng “Oo,” “Hindi,” at “Puwede”; habang si Buboy naman ang manghuhula sa “Pinoy Henyo” word na, “Pasay City.”

Una pa lamang ay pinanghinaan na ng loob si Buboy nang malaman na lugar ang kanyang huhulaan.

Aniya, “Ayoko ng lugar! Mahina ako diyan!”

Nabanggit na agad ni Buboy ang salitang “Quezon City” pero napa-”hindi” ng tugon si Kokoy. Dahil dito, napalayo na ng hula si Buboy kung saan umabot pa siya ng iba't ibang probinsiya sa Luzon.

Dahil nahihirapan na siyang manghula, pinakalma ni Buboy ang sarili at nakangiti nang nagtanong ng clue kay Kokoy.

Nang itanong ni Buboy kung “city” ang pinapahulaang salita, malakas na “Oo” ang naging tugon ni Kokoy.

Sa gitna ng kanyang panghuhula, biglang nabanggit ni Buboy ang “Pinoy Henyo” word na “Pasay City” at natulala siya nang malaman na ito ang salitang kanyang hinuhulaan.

Matapos ito, agad na umalis sa pagkakaupo si Buboy upang tumalon, humiyaw, at tumambling dahil sa saya.

Ngunit sandali lamang ang naging kasiyahan ni Buboy dahil hindi umabot ang kanilang oras upang ma-beat ang oras ng kalabang team na maglalaro sa jackpot round ng nasabing segment.

Sa episode na ito ay sumalang din sa hulaan ang Kapuso heartthrob na si David Licauco at komedyanteng si Diego Llorico.

Patuloy na tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

SILIPIN NAMAN ANG SIMPLENG BUHAY NI BUBOY VILLAR SA GALLERY NA ITO: