TV

Sheryn Regis, unang nanalo sa 'Eat Bulaga' bago sumali sa singing contest

By Jimboy Napoles

Isang ultimate throwback ang binalikan ng Eat Bulaga hosts kasama ang “Gusto Ko Nang Bumitaw” original singer na si Sheryn Regis sa segment na “Bawal Judgmental” kamakailan.

Sa nasabing episode, tampok sa segment ang mga artista na sumali sa TV contest bago pa sila sumikat. Kabilang sa mga choices ay ang Kapuso stars na sina Mike Tan, Thea Tolentino, singer na si Radha Cuadrado, at si Sheryn.

Sumikat si Sheryn bilang isang singer nang sumali siya sa reality singing competition na Star in a Million noong 2003. Pero bago pa man ito ay nanalo na si Sheryn sa “Sing-Eat” national finals ng Eat Bulaga taong 2002.

“Sumali rin siya sa Eat Bulaga, kami pa ni Francis M. ang pumunta sa Cebu noong audition siya,” kuwento ng dabarkads na si Allan K.

“Yes before Star In a Million,” pagsang-ayon naman ni Sheryn.

Sa panayam sa singer, naitanong naman ni Ryan Agoncillo kung ano ang naging pakiramdam niya nang mabigo siyang manalo sa Star in a Million sa kabila ng pagiging leading sa competition.

Tanong ni Ryan, “'Yun bang pakiramdam na ganun na kumbaga leading ka the whole competition, tapos biglang nakita mo 'yung kalaban mo nung grand finals kinutuban ka ba na maaaring it won't go your way?”

Ayon naman kay Sheryn, totoong may iba na siyang pakiramdam noon at talagang na-disappoint siya sa nangyari.

“Yes, may kutob talaga pero siguro that time I was expecting too much lang talaga so grabe 'yung disappointment ko parang bagsak sa akin lahat, e,” ani Sheryn.

Pero ayon naman sa singer, natanggap niya naman agad ang naging pagkatalo at hindi naman siya pinabayaan ng kanyang fans na patuloy na sumusuporta sa kanya.

Aniya, “So ano naman parang hindi lang siguro talaga para sa akin 'yun that time.”

“Grabe 'yung support ng tao talaga ayun nagpapasalamat ako kasi 'yung suporta nila until now 20 years nandyan pa rin at ito buhay pa rin si Inday,” dagdag pa niya.

Bukod dito, nag-iwan naman ng mensahe si Sheryn sa mga sumasali ng kompetisyon na kagaya niya noon.

“Kahit anong mangyayari sa competition hindi mo dapat sabihin na 'yan ang katapusan kasi marami pang opportunities hanggat may boses ka, may good health ka pa rin, importanteng nandyan 'yung disiplina mo, you stay humble and you enjoy every performance that you do kailangan yan. I-enjoy mo yung every moment na meron ka,” aniya.

Tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

Bisitahin din ang GMANetwork.com at ang social media accounts ng Eat Bulaga para sa iba pang updates.

SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA ARTISTANG NAGSIMULA SA EAT BULAGA: