TV

READ: Glaiza de Castro at Solenn Heussaff, inalala ang isang importanteng araw sa kanilang 'Encantadia' journey

By AL KENDRICK NOGUERA

Makalipas ang isang taon kahapon, April 4, inanunsyo ang cast members ng iconic telefantasya na Encantadia at inalala nina Solenn Heussaff at Glaiza de Castro ang importanteng araw na ito.

Isang video mula sa telefantasya ang ibinahagi ni Solenn kung saan mapapanood siyang nagsasalita ng Encantadia language na Enchanta.

 

"I cant believe it has been almost one year since we started Encantadia! Enchanta could practically be my fourth language haha," saad niya.

QUIZ: Enchanta 101

Samantala, isang mensahe naman ang nais ipaabot ni Glaiza sa viewers ng GMA Telebabad soap sa kanyang Instagram post.

 

Aniya, "Isang taon na pala ang nakalipas mula noong hindi kami mapalagay sa kaba at saya na sa wakas ay masasabi na naming kami ang gaganap na apat na sanggre. Ngayon ay ganun pa rin naman, may kaba at saya pa rin. Tuloy-tuloy lang din ang pagsasanay at ang pagsabak sa laban. May mga nawala at dumating, pero sa huli, gagawin namin ang lahat, kasabay ng kapangyarihan ng Bathala upang maipanalo ang laban."

MORE ON 'ENCANTADIA':

WATCH: What you've missed from 'Encantadia's episode on April 4

EXCLUSIVE: Kate Valdez and Mikee Quintos' tear-jerking farewell message for 'Encantadia'

EXCLUSIVE: Mikee Quintos and Kate Valdez's reaction on Lira and Mira's death announcement