TV

Glaiza de Castro, inaming nagkaroon ng kompetisyon sa mga 'Encantadia' Sang'gre noong simula

By AL KENDRICK NOGUERA

Ngayong nalalapit na ang pagwawakas ng Encantadia, isa-isa nang lumalabas ang mga rebelasyon ng cast tulad na lamang nang ikinuwento nina Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Glaiza de Castro.

Ayon sa tumatayong panganay sa magkakapatid at gumaganap bilang si Pirena, nagkaroon daw ng kompetisyon sa mga Sang'gre noong nagsisimula pa lamang ang iconic telefantasya.

 

PHOTO BY  Michael Paunlagui, GMANetwork.com

"Siyempre, unang sabak namin kaya't nariyan 'yung competition. Hindi maiiwasan sa industriya natin na ganoon," bahagi ni Glaiza.

Pero paliwanag niya, napalitan daw ito ng pagtutulungan. Ani Glaiza, "Habang tumatagal, nawawala 'yung competition. Mas nagiging collaboration na. Tinutulungan namin 'yung isa't isa at proud ako sa kanila (Gabbi at Sanya) kasi nakita ko rin 'yung growth nila bilang artista at bilang mga totoong tao."

Saad nga ni Gabbi, mami-miss niyang kaeksena sina Sanya at Glaiza. "Si Ate Glai kasi ate namin 'yan eh. Mami-miss ko sila kaeksena," pahayag niya.

"Iba 'yung feeling kapag kaming tatlo ang nagsama sa isang eksena. Minsan lang mangyari na kaming tatlo ang nasa iisang eksena kaya't talagang tatatak 'yung eksena na 'yon," pagtatapos ni Gabbi.

Subaybayan ang huling dalawang linggo ng Encantadia, weeknights pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

MORE ON ENCANTADIA:

IN PHOTOS: 'Encantadia' at 'Mulawin VS Ravena' stars, nagpasaya ng mga Kapuso sa isang thanksgiving event

FIND OUT: Sino ang nag-suggest na ipasok si Zoren Legaspi sa 'Encantadia?'

EXCLUSIVE: Valeen Montenegro, hindi sineseryoso ng viewers sa 'Encantadia'?