GMA Logo Gabbi Garcia
What's on TV

Gabbi Garcia, saksi sa lumalaganap na 'Encantadia' fever

By Dianara Alegre
Published May 19, 2020 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia


“Nandu'n pa rin talaga 'yung 'Encantadia' fever,” pahayag ni Gabbi Garcia.

Muling nanumbalik ang Encantadia fever dahil sa rerun ng hit Kapuso series ngayong quarantine.

Pero hindi lang mga dati nang fans ang nagdiwang dahil nagkaroon na rin ng bagong henerasyon ng 'Encantadiks' na sumusubaybay sa serye.

Hindi lang fans at viewers ang nagsasaya dahil pati ang mga artistang bumida rito gaya nina Gabbi Garcia, Glaiza De Castro, Kylie Padilla, at Sanya Lopez ay ramdam din ang Encantadia fever, lalo na sa social media.

“Nakaka-throwback siya nang sobra. I did Encantadia 17, 18 years old ako. Nakakatuwa kasi every night, we can see all the tweet. I can read all the tweets na parang nagpa-trend pa rin,” ani Global Endorser Gabbi.

“Hanggang ngayon, they are still asking for season two. So alam mong nandu'n pa rin talaga 'yung Encantadia'fever,” sabi pa ng aktres na gumanap bilang si Sang'gre Alena.

Gabbi Garcia, happy to see Alena once more as 'Encantadia (2016)' returns on TV

Khalil Ramos recreates Gabbi Garca's scene in 'Encantadia'

Natuwa rin umano si Gabbi nang minsang may fan na nag-message sa kanya at nagsabing isinunod niya ang pangalan ng anak niya sa karakter na ginampanan ng aktres.

“Merong nag-message sa 'kin, nu'ng time raw ng Encantadia buntis siya. Tapos nu'ng nanganak siya ang pinangalan niya sa anak niya Alena because of Encantadia.

“So sobrang parang wow. Tapos ngayon 'yung anak niya, pinapanood 'yung Encantadia."

Isang post na ibinahagi ni Gabbi Garcia ♡ (@gabbi) noong

Gabi-gabi na ulit napapanood ang 2016 telefantasya na minahal at patuloy na tinatangkilik ng marami.

Glaiza De Castro, Sanya Lopez, at Ruru Madrid, napa-'Avisala' sa pagbabalik ng 'Encantadia (2016)'

Panoorin ang buong 24 Oras report: