TV

Komprontasyon ni Pirena at Mira | 'Encantadia' Ep. 42

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa May 19 (Martes) episode nito, matutuklasan na ni Mira (Kate Valdez) ang binabalak ni Pirena (Glaiza De Castro) na himagsikan sa Lireo.

Samantala, makikilala naman ni Danaya (Sanya Lopez) ang Encantado sa mundo ng mga tao na si Enuo (Rafa Siguion-Reyna). Lingid sa kaalaman ng Sang'gre, si Enuo pala ang ama niya at ni Alena (Gabbi Garcia).

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.