TV

Nahanap na ni Danaya si Lira! | Ep. 50

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa May 29 (Biyernes) episode nito, mahahanap na ni Danaya (Sanya Lopez) si Lira (Mikee Quintos) sa mundo ng mga tao salamat sa tulong ni Muyak (Klea Pineda).

Dito rin matutuklasan ni Danaya na nakatago sa mundo ng mga tao ang kapatid niyang si Alena (Gabbi Garcia). Sinubukan niya itong hanapin ngunit hindi niya ito makita.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.