TV

Paligsahan ni Danaya at Vish'ka | Ep. 56

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa June 8 (Lunes) episode nito, nagtungo sina Danaya (Sanya Lopez) at Lira (Mikee Quintos) sa Ascano upang magpagawa ng kalasag sa mga Barbaros at Gigantes.

Ngunit bago nila makuha ang kanilang hinihingi, hinamon muna si Danaya ng pinuno ng mga Ascano na si Vish'ka (Conan Stevens) sa isang paligsahan. Magpapalakasan ang dalawa sa pag-inom ng alak at kapag natalo si Danaya ay ikakasal siya kay Vish'ka.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.