TV

Lira, nakilala na si 'Amihan' | Ep. 63

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa June 17 (Miyerkules) episode nito, tuwang-tuwa si Lira (Mikee Quintos) nang makikilala niya ang kaniyang ina na si Amihan (Kylie Padilla).

Lingid sa kaalaman ni Lira, ang "Amihan" na nasa harap niya ngayon ay ang kaniya palang Ashti Pirena (Glaiza De Castro) na nagbabalatkayo lamang bilang kaniyang ina.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.