TV

Paghahanap ni Amihan kay Mira | Ep. 65

By Felix Ilaya

Sa June 19 (Biyernes) episode ng award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime, magtutungo si Amihan (Kylie Padilla) sa mundo ng mga tao upang hanapin si Mira (Kate Valdez).

Pupunta rin si Pirena (Glaiza De Castro) sa mundo ng mga tao upang unahan si Amihan bago pa man nito makita si Mira.

Kanino kaya sasama si Mira, sa kaniyang tunay na ina na si Pirena o sa tumayo bilang kaniyang ina na si Amihan?

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.