TV

Muling pagsilang ni LilaSari | Ep. 67

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa June 23 (Martes) episode nito, ninakaw nina Adhara (Sunshine Dizon) at LilaSari (Diana Zubiri) ang makapangyarihang Kabilan mula kay Cassiopea (Solenn Heussaff). Gagamitin ni Adhara ang Kabilan upang matanggal ang maskarang bumabalot sa mukha ni LilaSari.

Ngayong wala nang humaharang sa kaniyang sumpa, babalik na rin ang kapangyarihan ni LilaSari na gawing bato ang sino mang tumingin sa kaniyang mukha.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.