TV

Bistado na ni Lira ang pagpapanggap ni Pirena | Ep. 69

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa June 25 (Huwebes) episode nito, paghihinalaan na ni Lira (Mikee Quintos) na ang "Amihan" (Kylie Padilla) na nagpapakita sa kaniya ay hindi ang totoo niyang ina.

Nang mapatunayan niya ang kaniyang suspetya at masaksihan ang pagbabalatkayo ni Pirena (Glaiza De Castro), susubukan ni Lira na lisanin ang Lireo upang hanapin ang kaniyang tunay na ina.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.