TV

Walang makakilala kay Lira! | Ep. 94

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa July 30 (Huwebes) episode nito, ngayong nag-iba na ang wangis ni Lira (Mikee Quintos), wala na kina Amihan (Kylie Padilla), Danaya (Sanya Lopez), at Ybarro (Ruru Madrid) ang makakilala sa diwata.

Paghihinalaan pa ni Danaya na may masamang balak si Lira at kukumprontahin niya ito upang malaman ang kaniyang tunay na pagkakakilanlan.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video sa itaas.

Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.