TV

Lira at Mira, hinarap si Ether | Ep. 98

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa August 5 (Miyerkules) episode nito, nalaman ni Mira (Kate Valdez) na siya lang ang tanging encantada na nakakaalala kay Lira (Mikee Quintos) matapos itong isumpa ng Bathalumang si Ether.

Dahil dito, tutulungan ni Mira si Lira na makabalik sa dati nitong anyo at hahanapin nilang dalawa si Ether upang alisin ang sumpa kay Lira.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video sa itaas.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.