TV

Kumprontasyon nina Amihan at Alena | Ep. 100

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa August 7 (Biyernes) episode nito, kinumpronta na ni Amihan (Kylie Padilla) si Alena (Gabbi Garcia) sa ginawa nitong pagtataksil sa kanila.

Kahit alam na ni Amihan na may masamang pakay si Alena, hindi pa rin niya makuhang isumbong ang Sang'gre sa kaniyang mga kakampi. Sa halip ay pagtatakpan niya pa ito, lalong-lalo na kay Ybrahim (Ruru Madrid).

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video sa itaas.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.