TV

Tangka sa buhay ni Reyna Amihan | Ep. 104

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa August 13 (Huwebes) episode nito, madaling nagambala ang kapayapaan sa Lireo nang magpadala ang mga Hathor ng tangka sa buhay ni Reyna Amihan (Kylie Padilla).

Mapupuruhan ang Sang'gre sa ginawang pag-atake sa kaniya ngunit sa kabutihang palad ay makakaligtas ito.

Dahil sa naging tangka sa buhay ng reyna, ipapayo ni Pinunong Imaw kay Amihan na magkaanak muli para magkaroon ng tagapagmana ang Lireo sa sandaling may masamang mangyari uli sa kaniya.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video sa itaas.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.