TV

Pagsagip ni Amihan kay LilaSari | Ep. 108

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa August 19 (Miyerkules) episode nito, sinugod ni Hagorn (John Arcilla) si LilaSari (Diana Zubiri) sa kampo nito upang pagbayarin sa pagtatraydor na ginawa nito.

Sukol na ng mga Hathor si LilaSari nang biglang dumating si Amihan (Kylie Padilla) upang iligtas ang diwata.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video sa itaas.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.