TV

Mira, ipinagtanggol ang Lireo | Ep. 116

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa August 31 (Lunes) episode nito, ipinaubaya ni Amihan (Kylie Padilla) ang trono ng Lireo kay Mira (Kate Valdez) habang nakikipaglaban ito sa Sapiro upang mabawi ito mula kay Pirena (Glaiza De Castro).

Lingid sa kaalaman ng mga diwata na ginamit ni Hagorn (John Arcilla) ang pagkakataong ito upang lusubin ang Lireo. Darating naman si Alena (Gabbi Garcia) upang tulungan ang kaniyang Hadia.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.