TV

Hagorn, binawi ang kaniyang anak mula kay LilaSari | Ep. 124

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa September 10 (Huwebes) episode nito, binihag ni Hagorn (John Arcilla) si Aquil (Rocco Nacino) at dinala sa mundo ng mga tao para ituro sa kaniya kung saan nagtatago sina LilaSari (Diana Zubiri) at Hitano (Pancho Magno).

Sinaktan ni Hagorn si LilaSari upang madali niyang mabawi ang kanilang anak na siyang gagawin niyang tagapagmana ng Hathoria.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.