TV

Galit ni LilaSari para sa kaniyang nawawalang anak | Ep. 126

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa September 14 (Lunes) episode nito, nagtungo si LilaSari ng Hathoria upang bawiin ang kaniyang anak mula kay Hagorn (Hathoria) ngunit malalaman niya na lang na nawawala ang kaniyang anak.

Sumugod naman siya ng Lireo upang pagbayarin si Aquil (Rocco Nacino) sa nagawa nito sa kaniyang pamilya ngunit ipagtatabuyan siya ng mga diwata.

Ngayong wala na siyang malapitan, magsusumamo siya kay Cassiopea (Solenn Heussaff) upang humingi ng tulong para hanapin ang kaniyang nawawalang anak.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.