TV

Pagtugis ni Hagorn kay Alena | Ep. 129

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa September 17 (Huwebes) episode nito, itinago ni Sang'gre Alena (Gabbi Garcia) ang sanggol ni Hagorn (John Arcilla) upang mailayo ito sa Hari ng mga Hathor.

Nang napag-alaman ni Hagorn ang ginawa ni Alena, tinawag niya ang kaniyang buong puwersa upang tugisin ang Sang'gre. Bago pa man tuluyang masugpo si Alena, biglang darating sina Lira (Mikee Quintos) at Mira (Kate Valdez) upang iligtas ang kanilang Ashti.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.