TV

Pagkabuhay ni Pirena | Ep. 146

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa October 12 (Biyernes) episode nito, nagtagumpay ang Bathalang si Emre sa kanilang pagtutuos ni Ether. Dahil dito, inutusan ni Emre ang Bathalumang si Ether na tanggalin ang kaniyang sumpa kay Pirena (Glaiza De Castro).

Nang mawala ang sumpa ni Ether, nabuhay si Pirena at nakapiling na niya sa wakas ang mga kapatid niyang Sang'gre at ang kaniyang anak na si Mira (Kate Valdez).

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.