TV

Mabuhay si Reyna Danaya! | Ep. 147

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa October 13 (Martes) episode nito, hinirang si Sang'gre Danaya (Sanya Lopez) bilang ang bagong Reyna ng Lireo pagkatapos isakripisyo ni Amihan (Kylie Padilla) ang kaniyang sarili laban sa mga Hadezar.

Dahil sa tungkulin ni Danaya bilang isang Reyna, hindi siya maaaring magkaroon ng relasyon kahit kanino, lalong-lalo na sa pinakamamahal niyang si Aquil (Rocco Nacino).

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.