TV

Pagsanib ni Avria kay Cassiopea | Ep. 151

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa October 19 (Lunes) episode nito, hindi nakadalo si Cassiopea (Solenn Heussaff) sa piging na inihain para sa mga banggong Sang'gre na sina Lira (Mikee Quintos) at Mira (Kate Valdez). Alam ni Pirena (Glaiza De Castro) na hinding-hindi palalampasin ng sinaunang diwata ang pagdiriwang na ito kaya't malakas ang kutob niya na may masamang nangyari dito.

Lingid sa kaalaman ng lahat, ginamit ni Ether ang katawan ni Cassiopea bilang sisidlan para sa kaluluwa ng yumaong Reyna ng Etheria na si Avria.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.