TV

Paalam, Lira | Ep. 181

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Telebabad.

Sa November 30 (Lunes) episode nito, napaslang ng mga Etherian si Mira (Kate Valdez) at si Lira (Mikee Quintos) naman ang isusunod nila.

Dahil sa basbas kay Lira, hindi ito tinatablan ng mga sandatang gawa sa Encantadia kaya naman kumuha si Ether ng baril mula sa mundo ng mga tao na siyang gagamitin nila para mapatay ito.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.