GMA Logo Gueco twins in Sang'gre story conference
What's on TV

Vito at Kiel Gueco, 'blessed at thankful' na mapabilang sa cast ng 'Sang'gre'

By Aimee Anoc
Published November 8, 2023 3:39 PM PHT
Updated May 16, 2025 1:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CAAP extends flight ban over Mayon Volcano anew until morning of Dec. 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Gueco twins in Sang'gre story conference


Ano kaya ang mga karakter na gagampanan nina Vito at Kiel Gueco sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'?

Mula sa pagiging online content creators, tuloy-tuloy na ang pagsabak ng Gueco twins na sina Vito at Kiel bilang mga aktor.

Kabilang sina Vito at Kiel sa cast ng Encantadia Chronicles: Sang'gre kung saan mapapanood sila bilang ang nakatutuwang kambal na sina Mantuk at Tukman.

Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ng Gueco twins ang kanilang pasasalamat na mapasama sa continuation ng iconic telefantasya ng GMA.

"Grabe. We're very very grateful and honored kasi sobrang... isa ito sa pinakamalaki talaga na show ng GMA and to be part of this sobrang saya lang talaga," masayang sabi ni Kiel.

Pagpapatuloy ni Vito, "Sobrang blessed and thankful kay God na napasama kami rito."

Ayon kay Kiel, bilang paghahanda ay pinanood nila ang dating episodes ng Encantadia.

Dagdag pa ni Vito, "Just like 'yung previous show namin LUV IS: Love at First Read mga makukulit 'yung characters namin doon pero rito mas ile-level up natin at mas lalagyan namin ng kulay. For sure manonood-nood tayo, mag-throw lines kami nito sa bahay. Paghahandaan namin ito."

Ngayon pa lang ay ramdam na ng Gueco twins ang pressure sa kanilang mga gagampanang karakter.

"Actually kinakabahan ako kasi ayokong mabigo 'yung [production], sina Direk [Mark Reyes], 'yung mga fans ng Encantadia," sabi ni Vito. "Ayokong mabigo sila kaya parang nandu'n 'yung pressure.

"Pero, again mag-e-enjoy lang tayo. Gagawin natin 'yung very best natin para maging solid at maganda lang 'yung maipakita natin."

Congratulations, Vito at Kiel Gueco!

MAS KILALANIN ANG GUECO TWINS NA SINA VITO AT KIEL SA GALLERY NA ITO: