GMA Logo Vince Maristela
What's on TV

Vince Maristela, nagkatotoo ang wish na mapasama sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'

By Aimee Anoc
Published March 14, 2024 5:38 PM PHT
Updated May 16, 2025 1:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US ICE to deport Filipino detainee to PH —DFA
Check out the looks Cyrille Payumo has served at Miss Charm so far
#WilmaPH floods areas of Balamban, Asturias towns in Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Vince Maristela


"Mayroon akong interview na ginawa sa GMA kung anong show ang gusto kong balikan, sabi ko ay Encantadia. Nagkatotoo 'yung wish ko and sobrang thankful and saya ko talaga." - Vince Maristela

Wish come true para kay Sparkle actor Vince Maristela ang mabilang sa cast ng inaabangang telefantasya ng GMA na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Hindi makapaniwala ang aktor na natupad na ang wish niya lamang noon na magkaroon muli ng Encantadia at ngayon ay kasama na siya sa cast nito.

"Sobrang thankful talaga kasi natupad talaga 'yung wish ko. Kung maaalala n'yo, mayroon akong interview na ginawa sa GMA kung anong show ang gusto kong balikan, sabi ko ay Encantadia. Nagkatotoo 'yung wish ko and sobrang thankful and saya ko talaga," masayang sabi ni Vince.

Hindi naman maiwasang makaramdam ng pressure ni Vince na mapasama sa bigating fantaserye kung saan makikilala siya bilang Akiro. Pero aniya ay palagi siyang handa para sa mga gagawing eksena.

"Parati naman akong handa. Gym kasi ako nang gym kaya nasa kondisyon palagi," pabirong sabi ng aktor.

Noong nakaraang Nobyembre ay sumalang na sa taping si Vince kung saan nakasama niya ang iba pang cast na sina Bianca Umali, Therese Malvar, at Pam Prinster.

Isang post na ibinahagi ni Mark Reyes (@direkmark)

Ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ay pagbibidahan nina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, Angel Guardian, kasama sina Glaiza De Castro at Rhian Ramos.

Makakasama rin sa continuation ng iconic telefantasya na ito ng GMA sina Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Luis Hontiveros, Shuvee Etrata, ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.

Magbabalik din sa serye sina Sanya Lopez bilang Danaya, Kylie Padilla bilang Amihan, Gabbi Garcia bilang Alena, at Rocco Nacino bilang Aquil.

TINGNAN ANG HOTTEST PHOTOS NG SPARKADA HUNK NA SI VINCE MARISTELA SA GALLERY NA ITO: