
Handa na para sa bago nitong yugto ang Encantadia Chronicles sa Sang'gre na magsisimula na ngayong June 16 sa GMA Prime.
Nakita na at na-review ng Encantadia Chronicles: Sang'gre team ang upcoming episode ng inaabangang fantasy series ng GMA. Nakasama rin sa preview ang GMA Network's President and Chief Executive Officer na si Gilberto Duavit Jr.
Bibida sa Encantadia Chronicles: Sang'gre ang new-gen Sang'gres na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.
Makakasama nila sa serye si Rhian Ramos na gaganap bilang ang Ice Queen na si Mitena.
Magbabalik din sa Sang'gre ang Encantadia 2016 actors na sina Glaiza De Castro bilang Pirena, Sanya Lopez bilang Danaya, Gabbi Garcia bilang Alena, at Kylie Padilla bilang Amihan.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong June 16 sa GMA Prime.
Panoorin ang teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa video na ito:
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA EKSENANG IPINASILIP SA BAGONG TEASER NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: