GMA Logo Glaiza de Castro
Photo by: glaizaredux IG
What's on TV

Glaiza de Castro, may pasilip sa kanyang Sang'gre Pirena

By Kristine Kang
Published June 5, 2025 10:38 AM PHT
Updated June 5, 2025 5:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Beyonce, Venus Williams, Nicole Kidman to co-chair 2026 Met Gala
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza de Castro


Abangan ang pasabog ni Glaiza de Castro bilang Pirena ngayong Sabado!

Ramdam na ramdam na ang excitement para sa pinakabagong superserye ng GMA ngayong taon, ang Encantadia Chronicles: Sang'gre!

Unti-unti nang inilalahad ang bagong henerasyon ng mga tagapangalaga ng brilyante, na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.

Sa sunod-sunod na teasers na inilabas, mas lalong lumalalim ang kuryosidad ng fans hindi lang sa bagong storyline, kundi pati na rin sa bawat karakter. Kasama na rito ang ice queen na si Mitena na bibigyang-buhay ni Rhian Ramos.

Kasabay ng excitement para sa new generation, hindi rin mapigilan ang fans na muling kiligin sa pagbabalik ng iconic 2016 Sang'gres na sina Kylie Padilla, Glaiza de Castro, Sanya Lopez, at Gabbi Garcia.

Kamakailan, mas lalo pang pinainit ni Glaiza de Castro ang inaabangang pagbalik ni Pirena sa isang teaser post sa Instagram.

Suot muli ang kanyang war costume mula sa 2016 series, muli niyang pinakilala ang matapang at maalab na tagapangalaga ng apoy.

At sa pagtatapos ng video, isang misteryosong petsa ang lumitaw: “6.07.25.” Marami ang na-excite dahil isa raw itong malinaw na paalala na may mas malaking rebelasyon pa sa darating!

"Heto na, mga warka," caption ni Glaiza.

Dumagsa ang positive comments mula sa fans at celebrities kabilang ang Encantadia co-stars tulad nina Faith Da Silva, Kylie Padilla, at Kate Valdez. Sumama rin sa excitement ang iba pang artists gaya nina Rodjun Cruz, Luis Hontiveros, Benedix Ramos, at Therese Malvar.

embed: https://www.instagram.com/reel/DKWm9SYxFFw/?utm_source=

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)

&igsh=MzRlODBiNWFlZA==

Maliban sa mga new generation at 2016 Sang'gres, makikilala rin ang mga bagong karakter na gagampanan nina Shuvee Entrata, Vince Maristela, Jon Lucas, Gabby Eigenmann, at Ysabel Ortega.

Ipapalabas na ang superserye Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong June 16 sa GMA Prime.

Silipin ang ilang behind-the-scenes photos mula sa teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre rito: