GMA Logo Bianca Umali, Kelvin Miranda
What's on TV

New-gen Sang'gres, pansin ang mga pagbabago sa kanilang mga sarili

By Aedrianne Acar
Published June 12, 2025 11:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robbers cart away over P30.7M from mall in Pavia, Iloilo
Hairstylist, nagulantang sa ginawa ng mister ng kanyang customer | GMA Integrated Newsfeed
Good News: Bisitahin ang mga destinasyon na ito sa Tanay, Rizal ngayong Kapaskuhan

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali, Kelvin Miranda


Ano-ano nga ba ang mga naging pagbabago kina Bianca Umali, Faith Da Silva at Kelvin Miranda simula nang gawin nila ang 'Encantadia Chronciles: Sang'gre?' Alamin 'yan rito:

It was a journey of self-discovery and growth. Ganito inilarawan ng mga bida ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' ang mga naging pagbabago sa kanilang buhay dahil sa megaserye nang makapanayam sila ng 24 Oras.

Paliwanag ni Bianca Umali na gumaganap bilang Sang'gre Terra, ang anak ni Danaya (Sanya Lopez), sa sit-down interview nito kay Nelson Canlas, natututo raw siyang yakapin ang takot.

Sabi niya, “The growth that I have attained is that I embrace fear. This time I embraced fear, I faced it and I think this is where I'm coming from. All my life, I didn't understand marami ako kinakatakutan and that I had no choice, but to be brave. Because I didn't have any fallback… But then now, I understood the strength in that. I let myself fall and then I brought myself back up.”

Para naman sa aktres na gaganap bilang si Sang'gre Flamarra na si Faith Da Silva, malaking lesson na nakuha niya sa telefantasya series ang matutong humingi ng tulong sa kaniyang co-stars.

“Tulad nila may question mark din sa akin e na bakit sa akin siya ibinigay. It's such a big responsibility. Natututo ako to connect with other people… Lagi ako[ng] my fear, 'tatanggapin ba nila ako? Íba din pala 'yung tapang na ibinibigay ng pag-ask ng help from the people around you. And 'yung tulong na nabigay sa akin ng mga co-sang'gres ko, 'yung journey na ito hindi siya magiging dikit na dikit sa kanila if I didn't ask help from them,” sabi ng aktres sa 24 Oras.

Laking gulat naman ng Kapuso hunk na si Kelvin Miranda na gumanap bilang slave prince na si Adamus na may napansin siyang pagbabago nang minsan itong nag-dub ng ilang eksena ng kanilang show.

Aniya, “Nung nag-dub kami ng ilang scenes na kailangang i-dub. Grabe narinig ko 'yung boses ko, iba! Nakita ko 'yung the way ako kumilos, magbigay ng emosyon sa eksena. Sabi ko, hala! Ibang-iba talaga. So, parang nabataan ako sa sarili ko dun. Ang gusto ko sabihin sa kaniya, maraming salamat dahil ipinagpatuloy mo 'yung paniniwala sa sarili mo. Kasi kung hindi, malamang wala ka sa kinalalagyan mo ngayon. And salamat sa tiwala.”

Huwag papahuli sa pagbubukas muli ng mundo ng Encantadia sa world premiere ng Sang'gre sa darating na Lunes, June 16 sa GMA Prime!

RELATED CONTENT: Sang'gre Mediacon: Memorable backstage moments caught on cam