
Panalo sa ratings ang pilot episode ng superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre, na nagsimula na noong Lunes, June 16, sa GMA Prime.
Nakapagtala ang unang episode ng 13.7 percent na TV ratings base sa preliminary/overnight data ng NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Habang nakapagtala naman ang katapat nitong show ng 12.9 percent na ratings.
Bukod dito, nasa mahigit 1.3 million views na ang pilot episode ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa YouTube channel ng GMA Network. Umabot din sa mahigit 240,000 ang nanonood sa Kapuso Stream sa YouTube channel ng GMA Network kagabi. Mayroon na ring mahigit 18 million views across all platforms ang first episode ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa unang episode nasaksihan ang pagbabalik ng 2016 Sang'gres na sina Glaiza de Castro bilang Pirena, Sanya Lopez bilang Danaya, Gabbi Garcia bilang Alena, at Kylie Padilla bilang Amihan. Pinakita na rin ang Ice Queen na si Mitena, na ginagampanan ni Rhian Ramos.
Panoorin ang full episode 1 ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa video na ito:
Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: