
Mapapanood na ngayong Martes (June 17) sa Encantadia Chronicles: Sang'gre si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee bilang Cassandra.
Si Cassandra ang kasalukuyang Hara (reyna) ng Lireo at ang nangangalaga sa Brilyante ng Hangin. Siya ay nilikha mula sa dugo ni Cassiopea, buhok ni Lira, at abo ni Amihan.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre para sa ikalawang episode nito, ipinasilip ang pag-utos ni Cassandra kina Pirena (Glaiza de Castro), Danaya (Sanya Lopez), at Alena (Gabbi Garcia) na simulan na ang pagsasanay at paghahanda sa kanilang mga anak.
Ipinakita rin ang paghaharap nina Cassandra at Danaya kung saan kinuwestiyon ng huli ang utos ng Hara na manirahan siya kasama ang asawa at anak sa mundo ng mga tao.
Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: