GMA Logo Rhian Ramos as Kera Mitena
What's on TV

Rhian Ramos, hindi nag-alinlangang tanggapin ang villain role sa 'Sang'gre'

By Aimee Anoc
Published June 19, 2025 2:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rhian Ramos as Kera Mitena


Gaano kaya na-challenge si Rhian Ramos na gampanan ang role ni Kera Mitena sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'? Alamin dito.

Walang naging pag-aalinlangan si Rhian Ramos na tanggapin ang kanyang villain role sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa Sang'gre, gumaganap si Rhian bilang Mitena, ang Kera (reyna) ng Mine-a-ve, ang Isla ng Nyebe.

"I was super excited about it," sabi ng aktres sa interview sa Fast Talk with Boy Abunda.

"Sabi ko, isa na naman 'tong challenge para sa akin. At saka ma-e-enjoy ko siya kasi usually parang I feel like the bad guys have more fun, like marami kang nagagawa as a bad guy."

Ikinuwento rin ni Rhian kung paano niya binuo ang pagkatao ni Kera Mitena.

"Naniniwala ako na walang taong pinapanganak na masama. Oo, nakakagawa tayo ng mga masasamang bagay, pero, I truly believe that every person is born good. And, 'pag may mga masasamang nangyayari sa kanila doon napo-form 'yung mga trauma at 'yung mga bad decisions nila na gumawa ng masama.

"And, 'yon din 'yung ginamit ko for Mitena. Kaya din siya naging ganu'n kasama, naniniwala siya na tama 'yung ginagawa niya," dagdag ni Rhian.

Ayon sa aktres, naging napaka-challenging para sa kanya lalo na sa pagbuhos ng emosyon sa pagganap kay Mitena.

"It was very challenging for me emotionally para laging ma-reach 'yung level na 'yon of hate, anger, pain, evil, para umabot ako sa pumatay, sumakop, manakit. It was pretty intense, everyday," sabi niya.

Dahil sa bigat ng kanyang role, ani Rhian, ang unang ginagawa niya nang matapos ang taping sa Sang'gre ay ang mag-relax.

"First thing na ginawa ko nu'ng natapos ko 'yon, nagpa-botox ako agad. Sabi ko masyado akong nagalit.

"Para sa akin for the next two months parang gusto ko na lang magpa-spa, magpaganda, magpa-relax, magpamasahe, magpaayos ng mga kung ano-ano. Kasi I felt like... we shot Enca for two years. So, that's a long time to be angry, every day."

Subaybayan si Rhian bilang Mitena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: