GMA Logo Encantadia Chronicles: Sang'gre episode 8 teaser
What's on TV

Sang'gre: Rama Ybrahim, pumanaw na; Armea, bagong reyna ng Sapiro

By Aimee Anoc
Published June 25, 2025 12:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Alas Women fall to Vietnam in volleyball semis, drop to bronze medal game
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles: Sang'gre episode 8 teaser


Sa pagpanaw ni Rama Ybrahim, hahalili sa kanya ang anak na si Armea bilang bagong reyna ng Sapiro! Abangan 'yan ngayong Miyerkules sa 'Sang'gre.'

Mapapanood na ngayong Miyerkules (June 25) sa Encantadia Chronicles: Sang'gre ang pagbabalik ni Ruru Madrid bilang Rama Ybrahim, ang ikaapat na hari ng Sapiro.

Gayundin, ang pagbabalik nina Mikee Quintos bilang Lira at Kate Valdez bilang Mira.

Sa teaser na inilabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, isang malungkot na balita ang ibinahagi ni Mashna Mayca (Cheska Iñigo) kay Sang'gre Alena (Gabbi Garcia), ang pagpanaw ni Rama Ybrahim.

Ipinasilip na rin ang pagluklok kay Armea (Ysabel Ortega) bilang bagong reyna ng Sapiro. Si Armea ay anak nina Rama Ybrahim at Sang'gre Alena.

Samantala, puspusan na ang paghahanda ng buong Encantadia para sa pagdating ng makapangyarihang kalaban na si Mitena (Rhian Ramos).

Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: