GMA Logo Kristoffer Martin
What's on TV

'Endless Love,' muling tinutukan ng mga manonood

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 8, 2021 1:44 PM PHT
Updated June 8, 2021 1:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kristoffer Martin


May komento si Kristoffer Martin, gumanap na batang Johnny sa serye, sa muli niyang panonood nito. Alamin kung ano ang sinabi ng aktor dito:

Marami ang tumutok sa muling pagbabalik telebisyon ng Philippine adaptation ng Endless Love na pinagbidahan nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Nagsimula kahapon, June 7, ang istorya ng mga batang sina Johnny at Jenny, na ginampanan nina Kristoffer Martin at Kathryn Bernardo.

Dahil noong 2010 pa unang pinalabas ang Endless Love, naninibago tuloy si Kristoffer na panoorin ang kanyang sarili noong bata pa siya.

Tweet ni Kristoffer, "Di ko matagalan mapanuod sarili ko. Totoy na totooy! #EndlessLove"

A post shared by Tun (@kristoffermartin_)

Komento naman ng ilang netizens, bata pa lang si Kristoffer ay gwapo na ito.

"Hahaha Ang Pogi at cute mo nga jan as Young Johnny. At ang galing galing mo pa jan! #EndlessLove."

Hahaha Ang Pogi at cute mo nga jan as Young Johnny 😁😍 At ang galing galing mo pa jan! 😭👏🏻😊❤️ #EndlessLove

Para sa iba naman, nostalgic sa kanila ang muling mapanood ang Endless Love sa telebisyon matapos ang mahigit isang dekada.

Pag-amin ng isang netizen, "Weird how I can remember some of the scenes... I was only 9 nung pinalabas to dati."

Ang iba naman ay may pa throwback post nang pumunta sila sa special advance screening ng pilot episode ng Endless Love sa SM Megamall noong 2010.

Mapapanood ang rerun ng Endless Love, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Yaya.

Samantala, narito na ang pinagkakaabalahan ngayon ng mga bida noon sa Endless Love: