TV

Dingdong Dantes at Marian Rivera, ano ang reaksyon nang muling mapanood ang 'Endless Love?'

By Aaron Brennt Eusebio

Masayang masaya sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mainit na pagtanggap sa kanilang teleseryeng Endless Love na unang ipinalabas noong 2010.

"Nakakatuwa kasi kahit napalabas na siya before, tinatangkilik pa rin siya hanggang ngayon," saad ni Marian.

"Kaya sobra-sobrang pasasalamat namin mga Kapuso sa walang sawang suporta n'yo sa DongYan, lalo na dito sa 'Endless Love.'"

Huling nagsama sina Dingdong at Marian sa isang teleserye noong 2014 sa My Beloved. May posibilidad kaya na magkaroon muli sila ng teleserye?

Sagot ni Dingdong, "Very soon. Siguro pagkatapos ng 'Endless Love.' Sana, sana, sana."

Panoorin ang buong 24 Oras report ni Aubrey Carampel sa video sa itaas. Kung hindi ito naglo-load, pumunta DITO.

Samantala, sabay nagpabakuna laban sa COVID-19 sina Dingdong at Marian dahil parte sila ng A4 category.

Bukod sa kanila, kilalanin pa ang ilang celebrities na nagpabakuna noong Independence Day dito:

Mapapanood ang Endless Love, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Yaya.