TV

Endless Love: Ang pagsisimula ng istorya nina Johnny at Jenny | Week 1

By Aaron Brennt Eusebio

Sa unang linggo ng Endless Love, nagkaroon na ng ideya sina Robert (Tirso Cruz III) at Katherine (Sandy Andolong) na hindi nila tunay na anak si Jenny (Kathryn Bernardo).

Na-aksidente kasi si Jenny habang nagbibisikleta habang hinahabol nito ang kanyang nakakatandang kapatid na si Johnny (Kristoffer).

Pupuntahan kasi ni Johnny si Shirley (Joyce Ching) dahil sa pambu-bully na ginagawa niya kay Jenny.

Kailangan salinan ng dugo si Jenny sa ospital kaya naman laking gulat nina Robert at Katherine na hindi sila magkakapareho ng blood type.

Kahit na hindi maganda ang pakikitungo ni Shirley kay Jenny, tinulungan niya pa rin ito nang makita niyang inaabuso ito ng kanyang kapatid na si Jojo (Lucho Ayala).

Pilit na itinago nina Robert at Katherine kay Jenny na hindi siya ang tunay nilang anak.

Sa bahay nina Shirley, hindi napigilan ng kanyang inang si Suzy (Janice de Belen) na si Robert at Katherine ang tunay niyang mga magulang.

Kahit na hindi pa buo ang loob ni Katherine na tanggapin si Shirley, wala itong nagawa dahil pinipilit ni Robert na patirahin siya sa kanilang bahay.

Dahil dito, lumayas si Jenny sa kanilang bahay at tumira kina Suzy.

Napamahal na si Katherine kay Jenny kaya naman pinuntahan niya si Suzy upang maibalik na sa kanya si Jenny.

Ang kundisyon ni Suzy, ibabalik nina Katherine si Shirley sa kanya.

Ano kaya ang mapagkakasunduan ng dalawang ina?

Patuloy na panoorin ang Endless Love, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Yaya.

Samantala, narito ang ilan pa sa mga bida ng Endless Love at kung ano na ang kanilang ginagawa ngayon: